P4-M SHABU HULI SA TULAK

TINATAYANG mahigit P4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa nadakip na umano’y tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District – Meisic Police Station 11, sa Soler Street, malapit sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Farida Macmod, 30, may asawa, tubong North Cotabato, at naninirahan sa Barangay 390, Sta. Cruz, Manila.

Base sa isinumiteng ulat ni Police Major Bernardino Venturina, hepe ng SDEU, kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang 1:30 ng hapon nang ikasa ang buy-bust operation sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Umabot sa 700 gramo ng shabu na tinatayang P4,960,000 ang halaga, ang nakumpiska sa suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RENE CRISOSTOMO)

85

Related posts

Leave a Comment