PAGSASARA NG PROVINCIAL BUS TERMINAL PINAPLANTSA NA

prov bus12

(NI ROSE PULGAR)

INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpupulong sila sa susunod na linggo kasama ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTR) upang talakayin at ayusin ang mga detalye hinggil sa nakaambang pagsasara ng mga provincial bus terminals sa EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, una sa kanilang pag-uusapan ay ang pagputol ng ruta o linya ng mga provincial buses sa interim terminals na nasa Sta. Rosa, Laguna at Valenzuela at ang pagpapalawig ng ruta ng mga city buses at point-to-point buses para matiyak ang maayos at mabilis na biyahe ng mga commuters.

“Nais naming matiyak ang availability ng mga city buses na magsasakay ng mga pasahero mula sa interim terminals bago simulan ang dry run sa paggamit ng terminals,” pahayag ni Garcia matapos ang Metro Manila Council meeting na ginanap sa tanggapan ng MMDA.

Aniya, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang may kapangyarihang irebisa ang ruta ng mga bus habang ang MMDA naman ang magpapatupad nito.

Sa kabila ng mga panawagang itigil ang pagsasara ng mga terminals, kumpyansa si Garcia na ang inisyatiba ay makakapagpaluwag ng trapiko sa EDSA, partikular ang mga yellow lane para sa mga city buses.

78

Related posts

Leave a Comment