Pang-anim sa pumatay ng estudyante MURDER SUSPECT ARESTADO

NADAKIP ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang pang-anim na suspek sa pagpatay sa isang 17-anyos na Grade 9 student sa naturang lungsod noong Hunyo 19, 2019.

Kinilala ang suspek na si Darryl Dela Serna, alyas ‘Teroy’, 25, naaresto ng mga operatiba ng Valenzuela City Warrant and Subpoena Section, sa pangunguna ni P/Lt. Doddie Aguirre, sa Barangay Casinglot, Tagoloan Misamis Oriental, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Valenzuela City Regional Trial Court, Branch 75 noong Setyembre 9, 2019 para sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa ang nasabing korte.

Ayon kay P/Lt. Aguirre, nauna nang naaresto ang limang mga suspek na sina Benjamin Diaz, 18; Adrian Ulile, 18; John Rey Olile, 18; at dalawang menor de edad na 14-anyos at 16-anyos.

Ang mga suspek umano ang responsable sa pagpatay sa biktimang si Gio Lawrence Balajadia, 17, na pinagsasaksak sa Brgy. Veinte Reales noong Hunyo 19, 2019 at nag-viral sa social media ang insidente.

Patuloy pang pinaghahanap ng pulisya ang isa pang suspek sa krimen. (FRANCIS SORIANO)

79

Related posts

Leave a Comment