Pinakamasahol mula 2012 23.7 M PINOY JOBLESS – SWS

UMABOT sa 23.7 milyon ang mga manggagawang walang trabaho noong Setyembre 2020, ayon sa Social Weather Stations (SWS).

Bumaba ito sa 12.7 milyon sa sumunod na buwan.

Ang mga nasabing bilang ng kawalan ng trabaho sa bansa ay batay sa resulta ng survey ng SWS na isinagawa mula Nobyembre 21 hanggang 25 sa 1,500 respondents.

Ang 12.7 milyon ay katumbas ng 27.3 porsyento ng buong bilang ng mga manggagawa sa bansa.

Ang 27.3 milyon naman ay 39.5 porsiyento ng kabuuang lakas-paggawa.

Kung susuriin ang survey, nangangahulugang nabawasan ng 14.6 milyon ang nagkaroon ng trabaho noong Nobyembre mula Setyembre.

Kahit positibo sa isang buwan ang paglutas sa problema ng malawakang kawalan ng trabaho, masasabing pinakamasahol ang nasabing suliranin nitong 2020 dahil ayon sa SWS, sa kabuuan ng nakalipas na taon ay pumalo sa 37.4 porsyento ang walang trabaho sa nasabing taon.

Ito ay mataas ng 8.6 porsyento kumpara sa 28.8% jobless rating noong 2012.

Nangangahulugang ito ang pinakamasahol na problema sa kawalan ng trabaho mula noong 2012, walong taon mula noon.

Binanggit din ng SWS na noong Disyembre 2019, isang buwan bago magsimulang pumasok ang COVID-19 sa bansa, ay 17.5 porsyento mula sa kabuuang bilang ng mga manggagawa ay walang trabaho.

Sa 37.4 porsyentong nawalan ng trabaho, ang Rehiyong Visayas ang nanguna sa nawalan ng trabaho sa iskor na 33%, sumunod ang Mindanao na 23%, dalawang puntos ang National Capital Region (NCR) at isang puntos lamang ang Balance of Luzon.

Ang itinuturing na mga manggagawang nawalan ng trabaho ay iyong mga nagsisimula pa lamang na maghanap ng trabaho, tinanggal sa kumpanya at boluntaryong umalis sa kanilang kumpanya, o pinapasukan.

Ang survey ng SWS ay napakalayo sa datos na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) na limang milyon ang walang hanapbuhay nitong nakalipas na taon.

Higit na malayo ito sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na inilabas noong Oktubre na 3.8 milyong manggagawa ang walang trabaho. (NELSON S/ BADILLA)

65

Related posts

Leave a Comment