71 CONTACTS NG UK VARIANT CARRIER SA BONTOC, POSITIBO

HINILING ng Department of Health (DOH) sa mga residente ng Mountain Province na sundin at ipatupad ang lahat ng protocols laban sa COVID-19 dahil positibo sa naturang sakit ang 71 close contacts ng sinasabing carrier ng United Kingdom variant ng virus sa bayan ng Bontoc.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, natunton na ang 410 katao na nagkaroon ng kontak sa 12 indibidwal na pinaniniwalaang tinamaan ng UK variant ng matinding virus.

Ani Vergeire, positibo sa COVID-19 ang 71 katao mula sa 410, samantalang 197 ang negatibo.

Mayroon pang 88 na hindi pa isinasailalim sa COVID -19 test at 42 ang ilalabas pa lamang ang resulta ng test sa kanila.

Dahil dito, umaasa ang DOH na magiging mahigpit ang mga residente ng Bontoc at kalapit na mga lalawigan sa buong Mountain Province upang hindi na kumalat ang kaso ng COVID-19 sa nasabing bayan. (NELSON S. BADILLA)

56

Related posts

Leave a Comment