PNP, COMELEC: MAKIISA SA CHECKPOINTS

CHECKPOINT by KIER CRUZ.jpg

(NI MITZI YU/PHOTO BY KIER CRUZ)

UMAPELA  ang Manila Police District at Commission on Elections  (Comelec) sa mga motorista na makiisa sa pagsisimula ng election period at checkpoints  sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa lungsod ng Maynila, maraming checkpoints ang inilagay upang matiyak na  walang  dalang kontrabado tulad ng baril o  shabu  ang isang motorista.

Aminado si Chief Inps. Magno Gallora, Jr., deputy  chief for Operations ng Manila Police District, na masyado umanong  maluwag ang sistema ng checkpoints kaya’t   hindi naman malalaman kung ang isang motorista ay may dalang illegal o kontrabando.

Sa panayam kay Gallora,  pinairal  ng sistema ang pagtanaw at pag flashlight lamang sa loob ng sasakyan kabilang ang kotse at tricycle. Hindi kailangan na itutok ang flashlight sa mukha ng driver. Hindin rin kailangan na dumikit ang sinumang pulis sa sasakyan.

Ang mga motorsiklo naman ay kailangan ding huminto sa signage at ipakita ang kanilang drivers licence at OR-CR. Hindi rin maaaring buklatin ng pulis ang motor.

Hindi rin ligtas ang mga pedestrian sa checkpoints ayon kay Gallora dahil maaari  ding sitahin ang mga ito lalo na kung kahina hinala ang kilos.

192

Related posts

Leave a Comment