QC, TAGUIG MAWAWALAN NG TUBIG

TUBIG-4

(Ni FRANCIS ATALIA)

NAG-ABISO ang Manila Water na pansamantalang mapuputol ang suplay ng tubig sa ilang bahagi ng Taguig at Quezon City ngayong araw.

Sa inilabas na abiso ng kompanya, 10:00 ng gabi magsisimula ang water service interruption na tatagal hanggang 5:00 ng umaga bukas.

Ang mga lugar na maaapektuhan ay ang mga Barangay East Kamias, West Kamias, Pinyahan at Quirino 2C sa Quezon City.

Mawawalan din ng tubig ang Brgy. New Lower Bicutan at Brgy. Bagong Calzada sa Taguig City simula 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga bukas.

Pinayuhan ng Manila Water ang mga residente na mag-ipon ng tubig na kanilang kakailanganin para sa nasabing mga oras.

8

Related posts

Leave a Comment