QCPD BOKYA PA RIN SA BELTRAN KILLING

kapitana

(NI TJ DELOS REYES)

NANATILI blangko pa rin at wala pang maibigay na impormasyon ang Philippine National Police (PNP)  partikular na ang pamunuang ng Quezon City Police District (QCPD) kung ano ang tunay na motibo sa pamamaslang kay Bagong Silangan Chair Crisell Beltran.

Napag-alaman na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin na lumulutang na indibidwal o lumalapit sa pulisya upang magbigay ng mahalagang impormasyon kahit pa  itinaas na ng Quezon City Government  na reward na P5 milyon mula sa dating P 3 milyon.

Dahil dito, posibleng mas malaki ang binayad sa mga gunman nang nagpapatay kay Beltran dahilan upang hindi ito kagatin ng mga suspek ang alok na reward dahil posibleng maliit lamang ito kumpara sa ibinayad sa kanila.

Magugunita na sa naganap na pamamaslang kay Ako Bicol Partylist  Rodel Batocabe mula sa 15 milyon ay lomobo ito sa hanggang sa 50 milyon na

siyang dahilan upang ang mga salarin ay isa-isang naglutangan at sumuko sa mga otoridad at mabilis na itinuro si Daraga Mayor Carlwyn Baldo bilang mastermind.

Ikinanta ng mga supsek na 5 milyon ang inalok sa kanila ni Baldo para patayin si Batocabe na kaparehong halaga sa nagging alok na reward na LGU ng Quezon City na posibleng dahilan kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin na  lumulutang na tetestigo sa kaso ni Beltran.

Sa Batocabe killing P15 milyon ang agad na inilaan na pabuya ng Albay Provincial Government, 15M din ang idinagdag na nagmula sa kongreso habang si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagbigay naman ng 20M dahilan upang umabot ito sa 50 milyon at naging sanhi upang mabilis na naglitawan ang mga suspek at mga indibidwal na mayroong nalalaman sa krimen.

Dahil dito, nanawagan ang mga constituents na labis na nagmahal kay Beltran sa QC government na sila ay tulungan upang madali rin na makamit ng kanilang kapitana ang katarungan katulad na nangyari sa pagpatay kay Batocabe.

Sa kasalukuyan tanging cartographic sketch ng isa sa mga suspek ang tanging hawak ng QCPD nanatiling wala pa rin malinaw na motibo sa pamamaslang sa chiarwoman.

Iginiit ng mga kaalyaldo ni Beltran partikular na si Rep. Bingbong Crisologo na politically motivated ang pangyayari habang sina Dante Liban na isa sa mga katungali sana pangka-kongresista sa ikalawang distrito ni Beltran sa darating na May election at si Bagong Henerasyon partylist representative Bernadette Herrera Dy na nanungkulan din bilang konsehal ng QC ay humiling sa Comelec na ibilang sa election hospot ang nabanggit na siyudad.

Tutol naman si acting QC Mayor Joy Belmonte na ideklarang election hotspot ang naturang lungsod dahil hindi pa naman malinaw  kung election related violence raw na maituturing ang pag-ambush sa kapitana.

“I don’t think our city should be declared an election hotspot. I think that is premature and it will only cause panic. It will only cause our people to doubt the integrity of our local government and our police force,” ani Belmonte.

Ayon kay Belmonte, hindi pa dapat ituring na politically-motivated ang kaso dahil may iba pang mga anggulong tinitingnan ang polisya habang umuusad ang imbestigasyon.

Nangako naman ang acting mayor na sisiguruhin niyang ito na raw ang huling insidente ng election-related killing sa lungsod at patuloy na makikipagtulungan  ang pamahalaang lungsod sa polisya upang mapigilan ang mga insidente ng election-related violence.

Matatadaan na Enero 30, dakong 11:40 ng umaga sa lugar ng 139 JP Rizal Brgy Bagong Silangan Q.C., nang pagbabarilin ng apat na kalalakihan na sakay ng dalawang motorsiklo ang sasakyan  ni Beltran na isang puting Ford Everest  na may plakang NDO 612 na nagresulta sa pagkamatay nito gayundin ang drayber nito na si Melchor Jimena Salita.

Ito ang siyang kauna-unahang karahasan sa pulitika na naitala sa Quezon City sakaling may kaugnayan nga sa election ang pagpatay sa kapitana.

 

219

Related posts

Leave a Comment