(PHOTO BY KIER CRUZ)
SISIMULAN na sa Enero 27 ang rehabilitasyon sa Manila Bay na uumpisahan sa sabay-sabay na clean up drive at mangrove planting sa anim na ilog na nakapaligid sa Manila Bay, ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu.
Isasahawa ang mangrove planting sa sa Marine Tree Park sa Navotas City,habang magsasagawa naman ng cleanup activities sa Bakawan Warriors sa Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA),cleanup activity naman ang isasagawa sa ilog ng Talaba Dos,Bacoor,Cavite, habang habang maglilinis naman ang DENR sa ilog ng Obando, Bulacan-Obando-Meycauayan River at sa seaside ng Mariveles, Bataan-Brgy. Lucanin, at sa Guagua, Pampanga-Riverside.
Magsisimula ang cleanup drive sa mga naturang ilog sa isang pagtitipon-tipon dakong 6:00 ng umaga sa Quirino Grandstand kasunod nito ang isasagawang solidarity walk patungong Manila Baywalk area dakong 7:00 ng umaga sa Enero 27, 2019 (Linggo).
Kasamang tutulong sa kampanya ang Department of Tourism (DOT) at Department of Interior and Local Government (DILG).
Ang Manila Bay rehabilitation ay bilang hakbang ng DENR at ilang ahensya ng pamahalaan matapos ipag-utos ni Pangulong Duterte ang palilinis sa Manila Bay upang muling ibalik ang ganda at malinis na tubig nito.
118