RIDER NA PULIS PATAY SA TRAILER TRUCK

DEAD on arrival sa pagamutan ang isang 42-anyos na pulis makaraang masagasaan ng trailer truck habang nagmamaneho ng motorsiklo sa westbound lane ng Ramon Magsaysay Boulevard sa Sampaloc, Manila noong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Arnel Robiro, may asawa, ng Health Service sa Camp Crame at residente ng Sta. Maria, Bulacan.

Batay sa ulat na isinumite ni Police Staff Sergeant Genesis Flagne kay Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-2:15 ng madaling araw nang mabundol ng trailer truck ang biktima habang lulan ng motorsiklo.

Ayon sa report ng isang Jonrry Bordon, driver ng trailer truck, habang tinatahak ng biktima ang westbound lane nang bigla umano itong tumawid kahit na naka-stop signal ang paparating na truck.

Isinugod ang biktima sa Ospital ng Sampaloc subalit ideklarang dead on arrival ni Dr. Gil Buena.

(RENE CRISOSTOMO)

45

Related posts

Leave a Comment