ROBBERY WITH HOMICIDE SUSPECT, LAGLAG SA NBI

ARESTADO ang isang lalaki na may kasong robbery with homicide makaraang mamataan sa Naga City ng mga tauhan ng Naga District Office ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kinilala ni NBI Director Medardo De Lemos ang suspek na si Lorenzo Purisima alyas “Enzo”.

Base sa ulat ng NBI-NADO, si Purisima ay inaresto dahil sa kasong robbery with homicide na nakasampa sa City Prosecutors Office ng Naga City.

Si Lorenzo ay suspek umano sa pagkamatay sa isang menor de edad na biktima na natagpuang bangkay sa isang bakanteng lote sa Naga City noong Hulyo 23, 2023.

(RENE CRISOSTOMO)

201

Related posts

Leave a Comment