SENATE INQUIRY SA OIL SPILL NAGPATULOY

PINANGUNAHAN ng Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change na pinamumunuan ni Senator Cynthia Villar, ang nagpapatuloy na Senate inquiry sa epekto ng oil spill na dulot ng MTKR Terranova, MV Mirola 1, at MT Jason Bradley, nitong Martes, Setyembre 17, 2024.

Nanawagan si Villar ng agarang pagsasampa ng kaso laban sa mga responsable sa mapanirang oil spill sa Bataan.

Ayon sa senadora, ang insidente ay nagdulot ng malawak na pinsala sa ekonomiya at kapaligiran. Ito rin ay nagdulot ng banta sa marine ecosystem at biodiversity, at sa kabuhayan ng mga mangingisda at mga komunidad sa baybayin.

Humarap sa nasabing pagdinig si Mr. Romnick Ponestas, may-ari ng MTKR Jason Bradley. (DANNY BACOLOD)

17

Related posts

Leave a Comment