Tulong ng DOLE sa mga obrero OSH TRAINING LIBRE NGAYONG 2021

HINDI na magbabayad ang mga maggagawa kung sasailalim ang mga ito sa Occupational Safety and Health (OSH) training hinggil sa pagiging ligtas at malusog habang nagtatrabaho sa mga kumpanyang micro, small and medium enterprises (MSMEs) ngayon taon.

Nagpasya si Labor Secretary Sylvestre Bello III na ipatigil ang bayad sa nasabing pagsasanay ngayong taon upang makabawas sa gastusin ng mga manggagawa.

“We are waiving the training fees being charged to micro and small businesses, and those companies in distress,” anunsyo ni Bello.

Ipinaliwanag niya: “The workers in those enterprises have to be assured of their safety and health while at the workplace. This is a big factor to their productivity”.

Ang konteksto ng utos ni Bello ay ang kahirapang nakabalabal sa mga manggagawa simula nang sunud-sunod na nawalan ng trabaho ang mga ito dahil sa perwisyong dulot ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) sa maraming kumpanya sa bansa.

Ang pagtitiyak na ligtas at malusog ang mga manggagawa habang nagtatrabaho ay nakabatay sa Republic Act 11058, o Occupational Safety and Health (OSH) Act.

Nakabatay rin ito sa alituntunin ng Internal Labor Organization (ILO) na kasunduan ng maraming bansa kung saan nakalagda rin ang Pilipinas. (NELSON S. BADILLA)

121

Related posts

Leave a Comment