ULTIMATUM NG PANGULO SA MWSS: 15 ARAW; SIBAK O STAY

MAYNILAD-MANILA WATER CO2

SA ABRIL 15, igagawad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon kung sibak o mananatili sa kanilang posisyon ang mga opisyal ng ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kasunod ng naranasang krisis sa suplay ng tubig noong nakaraang mga linggo.

Pinagsusumite ng Pangulo ang lahat ng opisyal ng hanggang Abril 10 at matapos ang limang araw ay ilalabas ang desisyon sa mga ito.

Dito ay malalaman ng publiko kung kapabayaan ang naganap na agarang pagkawala ng supply ng tubig o ang isinisising pagbaba ng lebel ng tubig sa La Mesa dam.

Nauna nang pinulong ng Pangulo ang opisyal ng MWSS, Manila Water at Maynilad kung saan nakatikim ng sermon dahil sa naranasang kawalan ng tubig ng mga consumer.

76

Related posts

Leave a Comment