UST HOSPITAL STAFF PATAY SA TANDEM

PATAY ang isang 29-anyos na staff ng UST Hospital habang tatlong kasama nito na pawang mga negosyante, ang sugatan makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Claro M. Recto Avenue, Sta. Cruz Manila noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang namatay na si Sheena Tiongson y Casidsid habang nasa malubhang kalagayan ang tatlong negosyanteng sina Ceasar Santos, 39; Ricardo Candaza, 52, at Victor Barraca, 37, pawang residente sa Sta. Cruz, Manila.

Ayon kay Det. Ericson Aguilar ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-10:20 ng gabi nang mangyari ang pamamaril sa harap ng Pearl Blossom Hotel.

Nabatid sa ulat ng pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga biktima at isa sa mga suspek tungkol sa isa umanong “pokpok” sa lugar.

Pagkaraan ay bumunot ng baril ang gunman at pinagbabaril ang mga biktima na agad ikinamatay ni Tiongson habang malubhang nasugatan ang tatlo.

Pagkaraan ng pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek na magka-angkas sa motorsiklo.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente kung bakit nadamay si Tiongson sa away ng tatlong negosyante at ng riding in tandem. (RENE CRISOSTOMO)

85

Related posts

Leave a Comment