VENDORS, TAMBAY, WINALIS SA MANILA BAY

manila

(NI MITZI YU)

ISA-ISANG pinakiusapan, ginising mga tauhan  ng pinagsanib na puwersa Manila City hall at Manila Police District ang vendors at tambay na namamalagi sa kahabaan ng Manila Bay .

Sanib-puwersa ang  Manila Department of Social Welfare, Department of Public Services, Manila Action and Special Assignment at City Security Force sa operasyon at clean up drive sa   Manila Bay kahapon ng umaga.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada ang pagsasagawa ng Clean Up Drive sa kahabaan ng Roxas Blvd.sa Manila Bay alinsunod na rin sa kautusan ni pangulong Duterte na buhayin ang Manila Bay.

Pinayuhan din ni Estrada ang mga awtoridad na pairalin ang maximun tolerance sa mga sisitahin at paaalising vendors at tambay.

Sangkaterbang basura rin ang nahakot na sa Manila Bay na agad namang hinakot ng DPS.

Nabatid sa DPS na regular na nila umanong ginagawa ang paglilinis sa kahabaan ng Roxas Blvd at wala anilang katutuhanan ang paratang ng ilang mga kritiko na ginagawa lamang ni Estrada ang paglilinis dahil malapit na naman ang eleksyon.

Matatandaan na umani ng mga batikos ang ginagawang paglilinis ni Estrada sa mga Estero, Divisoria maging kahabaan ng Roxas Blvd papogi lamang umano ang ginagawa ng alkalde dahil anila  nalalapit na ang halalan at nais umanong makahakot ng boto si Estrada kaya niya ginagawa umano ang paglilinis sa Manila Bay.

9

Related posts

Leave a Comment