NAGLABAS ng alert warning ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kasunod ng patuloy na pag-alburuto ng Mount Kanlaon at Mount Bulusan na sinabayan ng matitinding mga seismic activity.
Ayon kay Phivolcs director Teresito Bacolcol, nakapagtala sila sa nakalipas na 24 oras, ng aabot sa 72 volcanic earthquake sa Kanlaon Volcano Network (KVN) sa pagitan ng alas-12:00 ng umaga at alas-12:00 ng gabi.
“Also, a total of 135 volcanic earthquakes have been recorded since 12 a.m., Sunday, including relatively strong volcano-tectonic or VT earthquakes,” inihayag ni Bacolcol.
“VTs are generated by rock fracturing processes and the increase in VT activity strongly indicates progressive rock-fracturing beneath the volcano as rising magma or magmatic gas drives a path towards the surface,” nilinaw nito.
Kaugnay nito, naobserbahan din na bumaba ang average sulfur dioxide emission mula sa 4,144 sa 2,114 tonelada simula nitong buwan ng Abril ng kasalukuyang taon.
“These parameters indicate that the blockage of volcanic gas emission may result in pressurization and swelling of the edifice potentially leading to moderately explosive eruption at Kanlaon,” sabi pa ng hepe ng Phivolcs.
Sa ngayon, nailagay sa Alert Level 3 ang bulkan at nasa state of magmatic unrest para bantayan ang posibilidad ng mga short-lived moderately explosive eruption na maaaring magbunsod ng life-threatening volcanic hazard.
Sa kabilang dako, naitala naman sa Bulusan Volcano Network (BVN) ang kabuuang 309 na mga volcanic earthquake simula noong alas-12:00 ng umaga ng Mayo 8, 2025.
Umabot sa 287 VT earthquake na may kaugnayan sa rock fracturing ang naganap sa mababaw na apat na kilometro sa ilalim ng timog-silangang istraktura ng bulkan sa Sorsogon.
“Degassing activity from its active vents have been weak to moderate when the volcano is visible for the past days. These changes in parameters may indicate the volcano’s shallow hydrothermal activity,” punto ni Bacolcol.
Pinaalalahanan naman ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pananatili o pagpasok sa anim-na-kilometrong radius na permanent danger zone (PDZ) ng Kanlaon at apat-na-kilometrong PDZ ng Bulusan.
(TRACY CABRERA)
