5-TAONG VISA SA PINOY NA GUSTONG MAGTRABAHO SA JAPAN, POSIBLE

japan12

POSIBLE umanong mabigyan ng limang taong visas sa ilalim ng bagong trade agreement ang mga Filipino na professional o businessman na naghahanap ng trabaho o negosyo sa Japan, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI)

Sinabi ng DTI na ang Pilipinas, bilang bahagi ng Association of Southeast Asian Nations, ay lumagda sa First Protocol na nag-aamyenda sa ASEAN-Japan Comprehensive Economic Partnership (AJCEP) Agreement sa Siem Reap, Cambodia.

Ang AJCEP ay isang free-trade deal na nagbabawas, kundi man, magtatanggal ng buwis sa mga produkto sa pagitan ng ASEAN countries at Japan.

Sa ilalim umano ng protocol, ilang kasunduan ang susundin na papabor sa service suppliers sa rehiyon.

Sa ilalim ng AJCEP, ang mga Pinoy ay maaaring bigyan ng short-term hanggang long-term business at investor visa sa Japan, ayon pa sa DTI.

Ang mga Filipino professional sa physical sciences, engineering, economics, law, business management and accounting, taxation, o espesyalista sa larangan ng humanities ay maaaring mag-apply ng visa ng hanggang limang taon.

Gayunman, ang mga gustong mag-apply ay kailangang makapasa sa technical at language skills examination.

159

Related posts

Leave a Comment