(NI NICK ECHEVARRIA)
ANIM na babaeng kadete ang kabilang sa top 10 honors sa kabuang 201 magsisipagtapos, ngayon, Biyernes sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite.
Ang PNPA Sansiklab Sandigan ng Mamamayan na may Sigasig na Itaguyod ang Kapayapaan at Ipaglaban ang Bayan Class of 2019 ay binubuo ng 157 kadeteng lalaki at 47 babae.
Nasa 138 sa mga kadeteng magtatapos na kinabibilangan ng 114 na lalaki habang 24 na babae ang mapapabilang sa hanay ng Philippine National Police (PNP) samantalang 41 (25 male and 16 female) ang mas piniling sumama sa Bureau of Fire Protection (BFP) at ang natitirang 15 kadeteng lalaki at pitong babae ay sasanib bilang mga bagong miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Kinilala naman ang anim na female cadets na napasama sa top 10 na sina; Cadet Merriefin Longcob Carisusa (salutatorian), Cadet Mary Grace Mag-Usara Pabilarion naman ang pangatlo na sinundan nina Cadets Janila Andrea Malejana Garan, Ciara Ley Lustre Capule, Mary Ann Balbuena de los Santos at Anne May Padroncillo Mangabo pang-anim, pito, walo at pang siyam ayon sa pagkakasunud-sunod.
Si Cadet Jervis Musni Ramos naman ang nanguna sa PNPA Sansiklab Class 2019 habang sina Cadets Ferdinand Mark Haguiling Lagchana, Christian Cuario Albus and Salvador Formanes Pidlaoan ang top four, five at 10.
Umaasa ang PNP na si Ramos bilang top graduate ng Sansiklab Class ay magsisilbing halimbawa ng magandang pag-uugali sa hanay ng pambansang pulisya para pamarisan sa pagganap ng tungkulin bilang huwarang pulis para makamit ang buong tiwala ng publiko.
Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Guest of Honor and Speaker ang graduation ceremony ng 201 mga kadete ng PNPA na may degree ng bachelor of science in public safety.
328