BAGYONG HANGGANG SIGNAL NO 5 ASAHAN SA CLIMATE CHANGE

BAGYO-4

(NI ABBY MENDOZA)

RESULTA ng climate change ay mas malakas ang mga bagyo na tatama sa buong mundo na aabot sa Category 4 hanggang 5 na itinuturing na destructive tropical cyclones.

Ayon sa United Nations-Intergovernmental Panel on Climate Change, asahan na ang ganitong klase ng mga bagyo sa susunod na dekada dahil na rin sa climate change.

Sa isinagawang pag-aaral ng UN, sinabi nito na hindi naman darami ang bilang ng pumapasok na bagyo, kaparehas pa rin ito ng dati subalit ang kaiibahan ay mas malalakas ito.

Sa Pilipinas ay nasa 20 bagyo ang dumarating kada taon.

“Crumbling ice sheets, rising seas, melting glaciers, ocean dead zones, toxic algae blooms—a raft of impacts on sea and ice are incubating these super storms that will ravage some mega cities every year,” ayon sa UN.

Hindi na umano maibabalik ang nasira sa environment subalit may pagkakataon pa para maisalba ang natitira pang hindi pa nasisira.

Kasabay nito , nanawagan ang UN sa mga leaders sa buong mundo na gumawa ng hakbang para mapangalagaan ang kalikasan at gawin itong prayoridad bago pa tuluyang mahuli ang lahat.

 

 

463

Related posts

Leave a Comment