(NI BERNARD TAGUINOD)
HINDI na ikinagulat ng isang kongresista ang banta sa buhay ng mga pari dahil mismong ang Pangulo umano ang nag-uudyok na gawan ng masama ang mga taong simbahan.
Ginawa ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano ang pahayag matapos lumantad sina Fr. Robert Reyes, Fr. Flavie Villanueva at Fr. Albert Alejo dahil sa mga natatanggap nilang banta sa kanilang buhay.
Hindi kagulat-gulat na mayroong mga pagbabanta sa buhay ng kaparian habang patuloy silang bukambibig ng ating Pangulo. Inuudyok pa niya na pagnakawan at patayin ang mga ito. The President’s words just become flesh whenever a priest is gunned down,” ani Alejano.
Ayon sa mambabatas, ang tanging layunin ng mga taong simbahan ay tulungan ang kapwa arugain ang mga nangangailangan, ipagtanggol ang mga naaapi at inaalisan ng katarungan.
Gayunpaman, mistulang napakabigat umano na kasalanan ito ng mga pari kaya mainit ng dugo sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte ayaw nitong tantanan ang mga taong simbahan.
“Mas mabigat pa ba ito kaysa krisis sa suplay ng tubig, mataas na presyo ng gasolina na nagpapahirap sa mamamayan, o sa kawalan ng oportunidad at hanapbuhay ng mga mamamayan dahil sa China?,” tanong ni Alejano kaya mainit ang dugo nito sa mga taong Simbahan.
Kamakailan ay nagbanta si Duterte sa sinumang kakanti sa mga pari ay siya ang mismong makakalaban ng mga ito matapos makatanggap ng banta sa buhay si Caloocan Bishop Virigilio David.
“Kung talagang seryoso ang ating Pangulo sa nauna niyang sinabi na siya ang ‘makakalaban’ ng mga nagbabanta sa kaparian, dapat sya mismo ang tumigil sa kanyang pag-uudyok ng karahasan laban sa Simbahan. Bilang nasa kapangyarihan, dapat ay paigtingin at pabilisin niya ang imbestigasyon sa mga death threats,” ayon pa kay Alejano.
152