BUONG REPORT HINIHINTAY NI DU30 SA RECTO BANK COLLISION

duterte33

(NI BETH JULIAN)

DUMEPENSA ang Malacanang sa patuloy na pananahimik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng banggaan ng isang Chinese fishing vessel at sasakyang-pandagat ng mga Filipino na manginigisda sa Recto Bank.

Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nais muna ni Duterte na makuha ang buong report o ang totoong nangyari sa gitna ng kanya-kanyang bersyon ngayon nang marami.

Ayon kay Panelo, maituturing itong premature o masyado pang maaga kung magbibitiw na ng komento o anumang pahayag ang Pangulo nang hindi pa nito nakikita o hawak ang resulta ng fact-finding investigation ng mga awtoridad.

Bilang isang abogado, sinabi ni Panelo na sinanay at tinuruan sila ng factual basis bago maglabas ng komento sa isang bagay.

“We are thoroughly and seriously investigating the incident, so we’ll have to wait,” pahayag ni Panelo.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Panelo na tumatayong observers ang lahat at hindi maaaring pabigla-bigla sa anumang bibitiwang pahayag hinggil sa usapin.

 

155

Related posts

Leave a Comment