CATRIONA ‘DI  MATAPUS-TAPOS ANG PASASALAMAT 

catriona gray

(PHOTO BY JHAY JALBUNA)

MANGIYAK-NGIYAK si 2018 Ms. Universe Catriona Gray sa kanyang pasasalamat sa mga unsung heroes na tumulong sa kanya para mapanalunan ang pang-apat na Ms. Universe crown para sa bansa.

Hindi lang si Madam Stella Marquez-Araneta ang instrumento sa malaking  tagumpay ni Cat.

Malaki ang naitulong ng kanyang glam team.

Siyempre pa, masaya ang Bb. Pilipinas sisters na makapiling muli si Catriona.

Sabi ni Karen Gallman, ang unang Pinay na Miss Intercontinental, “I’m happy and excited for her homecoming. We Filipinos are all so happy and proud of Cat’s achievement and she deserves the best homecoming!”

Lahad ni Bb. Pilipinas-Supranational Jehza Huelar, “Cat worked really hard for this. Her homecoming activities are just the beginning of her reign as Miss Universe.

“She deserves everything that she has now, and I cannot wait to see what’s in store for her.

“I am beyond proud.”

At ang saad ni Bb. Pilipinas Grand International Eva Patalinjug, “I can’t wait to hug her and tell her how proud we are of her, that she deserves where she’s at right now.

“She’s an inspiration to everyone!”

Pila-pila ang mga taga-media na nagparehistro sa presscon ni Miss Universe Catriona Gray, Miyerkules sa Novotel Hotel, Araneta Center, QC.

Sa grand parade mamaya, Pebrero 21, Huwebes nang alas-2:00 PM sa Pasay, Manila & Makati, sasakay si Catriona sa majestic float na inspired ng Mikimoto crown at magga-gown na likha ni Mak Tumang.

Sa Pebrero 23, Sabado nang 4:00 PM, sa Araneta Center naman ang parada.

Sa Pebrero 24, Linggo, 7:00 PM sa Araneta Coliseum, gaganapin ang programang Raise Your Flag For Catriona Gray (Miss Universe 2018 Homecoming).

Tampok dito sina Pia Wurtzbach, Maymay Entrata, Bamboo, KZ Tandingan, Morissette Amon, Jed Madela, TNT Boys, ABS-CBN Philharmonic Orchestra, at Vice Ganda.

Para sa tiket, tumawag sa (02) 911-5555.

Sa Pebrero 26, Martes, bibisita si Catriona sa mga organisasyong malapit sa kanyang puso, at magko-courtesy call kay VP Leni Robredo.

Malayo pa pero nung tinanong  si Cat kung ano ang gagawin niya after her reign, gusto nyang i-pursue ang isa pang passion niya.

She wants to record an album.

“I love to sing. I love singing. I want to be a recording artist,” she revealed.

Nakita namin sa talent night ng Bb. Pilipinas ang pag-awit ni Catriona. Her voice was recording artist. JCC

244

Related posts

Leave a Comment