CORRUPT SA BoC UUBUSIN NI DU30

customs12

(NI BETH JULIAN)

“UUBUSIN ko ang corrupt.”

Ito ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa oathtaking ng bagong government appointees sa Malacanang, Lunes ng gabi kung saan inianunsyo niyang apat na opisyal ng Customs ang nakalinya niyang sisibakin dahil sa alegasyon ng kurapsyon.

Ayon sa Pangulo, asahan na ngayong linggong ito ay kanya nang ipag-uutos ang pagsibak ng mga ito sa puwesto.

Aminado ang Pangulo na dismayado siya sa nagpapatuloy na kurapsiyon sa gobyerno sa kabila ng banta na ihinto na ito.

“Hindi pa mahinto itong corruption. Kasasabi ko lang, nandito na naman. May apat pa this week Customs na naman. Ubusin ko talaga ‘yan. Sabi nila hindi ma-kontrol ang corruption? Eh tingnan natin,” wika ni Duterte.

Una nang nagbabala ang Pangulo na ipapalit ang mga sundalo sa mga korap na opisyal sa BoC dahil sa kanyang pagkadismaya sa talamak na kurapsyon sa ahensya.

Kasabay nito, direktiba rin ng Pangulo sa mga opisyal na gumawa ng mga hakbang para mabawasan ang red tape.

Hinamon din ng Pangulo ang mga opisyal na magbitiw na lamang ang mga ito kung hindi mapapabilis at mapapaganda ang serbisyo publiko.

104

Related posts

Leave a Comment