COVID-19 VACCINE MANUFACTURERS NAGBABANATAN NA

SILA-SILA nagsisiraan.

Ganito ang pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque dahil mainit na aniya gayon ang bakbakan ng mga pharmaceutical company na gumagawa ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa katunayan ani Sec. Roque, sila mismong mga producer ng covid vaccine ang nagsisiraan dahil sa laki ng demand nito sa pandaigdigang merkado.

Hindi lamang aniya ang bakuna na nililikha ng China ang nakatitikim ngayon ng paninira kundi maging ang western countries na producer ng COVID-19 vaccine ay nagsisiraan na rin.

Kaya ang panawagan ni Sec. Roque sa publiko, ay huwag agad maniwala sa mga naririnig at nababasa lalo na sa social media dahil mayroon aniyang FDA ang bansa na siyang nag-i-evaluate sa safety at efficacy ng bakuna na puwedeng angkatin ng gobyerno.

Samantala, wala namang nakikitang problema ang Malakanyang kung sa China unang mag-aangkat ng COVID-19 vaccine ang Pilipinas. (CHRISTIAN DALE)

92

Related posts

Leave a Comment