Defensor, iba pa nabiktima VELASCO BENGGADOR

(BERNARD TAGUINOD)

BIKTIMA ng pambebengga ng bagong liderato sa Kamara sa pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at mga kasamahan nito sa BTS sa Kongreso.
Halos ganito ang tumbok ng pahayag ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano matapos matanong sa isang ambush interview sa kanyang reaksyon sa pagsibak kay Defensor, hindi lamang sa chairmanship sa House committee on public accounts kundi sa kanyang vice chairmanship sa 5 pang komite.

“Well sabi ko nga hindi panahon ngayon ng pambebengga, hindi panahon ng pamumulitika. Si Mike Defensor po napakalaki ng itinulong sa Defeat COVID bilang Party-List AnaKalusugan. Kalusugan talaga ang problema ngayon” ani Cayetano.

Magugunita na tinanggal ni Velasco si Defensor bilang chairman ng nasabing komite noong Disyembre at nang bumalik sa trabaho ang Kongreso nitong Enero ay tinanggalan din ito ng vice chairmanship sa committee on health at apat pa.

Gayunpaman, hindi umano matatawaran ang naging trabaho ni Defensor dahil instrumento ito ng pagpigil sa katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) partikular na ang Interim Reimbursement Mechanism (IRM) na nagkakahalaga ng P15 billion.

Malaki rin umano ang naitulong ni Defensor para makakolekta ang gobyerno sa mga utang ng Independent Power Producers (IPPs).

“Ganun din kay Ranie (Batangas Rep. Raneo Abu). Si Ranie wala pa ako sa Congress, Deputy Speaker na ‘yan. N’ung kasagsagan ng covid may ilan po kaming in-advise talaga namin lalo po ‘yung may edad na congressman, ‘wag na kayong pumunta mag-Zoom na lang. Pero may ilang leaders na sinabi naming, pumasok naman kayo. Tumulong naman kayo. Pero umayaw, kaya si Ranie nag-overtime n’on. So

I don’t think tama (ang pagtanggal sa kanila sa posisyon),” ayon pa kay Cayetano.

Bukod sa dalawa ay tinanggalan din ng puwesto ang apat pang miyembro ng BTS sa Kongreso na sina Laguna Rep. Dan Fernandez, Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, Capiz Rep. Fred Castro at Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado na pawang kilalang malalapit na kaalyado ni Cayetano.

69

Related posts

Leave a Comment