DU30, HONEYLET NAG-SHOPPING SA TOKYO

shopping

(NI BETH JULIAN)

HINDI pinalagpas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakataon para makasama ang kanyang partner na si Honeylet Avancenia sa libreng oras nito sa Tokyo, Japan.

Ito ang ipinakita sa mga larawang ipinadala sa Malacanang Press Corps ni Senator Bong Go kung saan nasa loob ng department store ang Pangulo kasama si Honeylet.     Nakita sa isang larawan na tumitingin ang Pangulo ng relo at sa isa namang larawan ay namimili sila ng partner na si Honeylet ng damit.

Sa pahayag ni Go, binilhan ng Pangulo at ni Honeylet ng Apple watch ang kanilang anak na si Veronica o Kitty.

Damit naman ang binili para kay Honeylet habang laptop naman ang binili para sa sarili ng Pangulo.

Samantala, schedule kagabi (Huwebes), ng Pangulo na makaharap ang Filipino Community sa Palace Hotel sa Tokyo.

Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V, nasa 2,500 lamang bisita ang kayang i-accommodate sa venue kaya magpapatupad sila ng first come, first serve basis.

Ang mga hindi na kayang mai-accommodate ay dadalhin na lamang sa isang kuwarto sa isang kuwarto sa hotel kung saan may television monitor para makita pa rin ang aktibidad ng Pangulo.

 

85

Related posts

Leave a Comment