EX-MAYOR MULTA SA ITINAGONG SALN

sandigan

(NI TERESA TAVARES)

PINAGMULTA ng Sandiganbayan ng P30,000 ang dating alkalde sa Maguindanao matapos mapatunayan na bigo itong ideklara sa kanyang   Statements of Assets, Liabilities and Net worth (SALNs) para sa taong 2011, 2013 at 2014 ang kanyang ari-arian.

Sa desisyon ng anti-graft court 6th Division, guilty sa tatlong bilang ng paglabag sa Anti-Graft law at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees si dating Talitay Mayor Montasir.

Batay sa rekord ng korte, naghain ng  “not guilty” plea si Sabal sa pagbasa ng sakdal sa kanya noong

May 30, 2018.

Gayunman, naghain muli ang akusado ng manifestation na nais nitong pumasok na lamang sa  plea-bargaining agreement sa prosekusyon at binawi ang “not guilty plea”.

Inaprubahan ng korte ang mosyon kung kaya iniatras ang kasong perjury.

Kinasuhan ng Office of the Ombudsman si  Sabal dahil sa hindi nito pagdeklara ng kaniyang ari-arian sa  Robinson Highlands, Buhangin, Davao City; tatlong residential lots at lupain sa Barrio Biniruan, Cotabato City.

143

Related posts

Leave a Comment