EX-RCBC BANK MANAGER KULONG SA NAKAW NA $81-M

rcbc

GUILTY sa money laundering si Maia Deguito, dating branch manager ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC), sa cyber heist na $81 million mula sa central bank ng Bangladesh bank noong 2016.

Matapos ang promulgasyon ng Makati Regional Trial Court Branch 149 convicted si Deguito sa walong counts ng paglabag sa Anti-Money Laundering Act.  Kulong ng apat hanggang pitong taon para sa bawat count at inatasang magbayad ng mahigit sa $109 milyong danyos SI Deguito.

Ayon sa kasong isinampa noong 2017, si Deguito umano ang nanguna sa paglilipat ng laundered money mula sa Bangladesh Bank sa maraming pekeng accounts sa RCBC branch sa Jupiter Street, Makati City noon February 2016.

Mula sa maraming accounts, naging isang US dollar account na lamang ang mga ito sa ilalim ng pangalan ni Filipino-Chinese businessman William Go, na syang nag-withdraw, ipinalit sa peso at inilipat sa tatlong casino ang naturang halaga.

Ang mga co-accuse ni Deguito na mga account holder na sina Michael Francisco Cruz, Jessie Christopher Lagrosas, Alfred Santos Vergara, and Enrico Teodoro Vasquez, ay natuklasang mga peke din.

180

Related posts

Leave a Comment