KARNE GALING JAPAN BAWAL SA PINAS

pork

BAWAL ipasok sa bansa ang mga karneng galing sa Japan dahil sa ulat ng hinihinalang kontamido ang mga ito ng African swine fever, ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Pinol.

Agad na ipatutupad ang pagharang sa mga karne matapos iutos sa Bureau of Animan Industry (BAI) sa pamamagitan ni Undersecretary for Policy and Planning Segfredo Serrano.

Nakaalerto na rin ang mga quarantine officers sa lahat ng pantalan ay nakaalerto para walang makapasok na karneng kontaminado ng sakit.

Nabatid pa na mula noong Oktubre ay umabot na sa pitong kaso ng ASF ang naitala sa Japan.

141

Related posts

Leave a Comment