LGUs SA BUONG BANSA OOBLIGAHIN SA CCTV

cctv3

(NI LILIBETH JULIAN)

OOBLIGAHIN ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng lokal na pamahalaan na maglagay ng mga CCTV camera partikular sa matataong lugar.

Ang mungkahi ng DILG ay kasunod ng naganap na malagim na twin bombing sa Cathedral of Our Lady of Mount Carmel sa Jolo, Sulu noong Enero 27 na nagresulta sa pagkasawi ng 22 katao at pagkasugat ng higit 100 pa.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Ano, dapat ituring na basic value ng LGUs ang paglalagay ng mga CCTV camera gayundin ang mga pribadong establisiyimento.

Aminado si Ano na pahirapang matukoy ang sinasabing suicide bombers sa Jolo Cathedral dahil sa kawalan ng CCTV.

Base sa talaan, ilang lungsod at bayan pa lamang sa bansa ang may ordinansa na nag oobliga sa mga business establishments na magkabit ng CCTV camera na isa na rito ang Quezon City.

Alinsunod sa nasabing ordinansa sa Quezon City, hindi lamang basta basta o ordinaryong CCTV ang ilalagay bagkus ay dapat na malinaw ang resolusyon ng camera upang madaling matukoy ang sinumang gagawa ng krimen.

232

Related posts

Leave a Comment