(NI NOEL ABUEL)
NAPAPANAHON nang amiyendahan ang Migrant Workers Act para masiguro na mapapakinabangan ito ng lahat ng overseas Filipino workers (OFWs).
Ito ang pahayag ni Senador Joel Villanueva, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development kung saan umapela ito sa mga kapwa mambabatas na suportahan ang panukala nito.
Sa inihain nitong Senate Bill No. 1233, layon nito na palawigin ang paggamit sa Legal Assistance Fund (LAF) na itinatag ng gobyerno upang matulungan ang sinumang OFW na may kinakaharap na kaso sa bansang pinagtatrabahuhan ng mga ito.
“Full protection of labor more significantly implies a continuing positive duty on the part of the State to ensure that the rights of its workers are at all times protected and their welfare promoted and improved at every chance possible,” sabi ni Villanueva.
Nakapaloob dito na madagdagan ang pondong ginagamit sa piyansa para pansamantalang makalaya ang isang OFW at magamit din sa pagkuha ng serbisyo ng isang paralegal.
“It further clarifies that such assistance shall be given from the moment the case is initiated, or the proceeding is commenced, until its termination, promulgation, and execution. This assistance extends further to all appeals taken on these cases, thereby guaranteeing full and complete support to distressed Filipinos overseas,” sabi pa nito.
Base umano sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) noong nakalipas na taon ay nasa 3,735 na OFWs ang natulungan ng ahensya sa pamamagitan ng legal assistance fund.
At noong Agosto 31, 2019 ay nasa 4,116 ang nagbenepisyo sa legal assistance fund.
198