NAKAMAMATAY NA ‘SILVER CLEANER’ PINATATANGGAL SA MERKADO

ecowaste12

(NI NELSON BADILLA)

NANAWAGAN ang EcoWaste Coalition sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Philippine National Police (PNP) na tanggalin ang lahat ng produktong panlinis ng mga alahas dahil nakamamatay ang nilalaman nitong kemikal.

Idiniin ng EcoWaste na dapat ipatupad ang 2010 Joint Advisory ng DENR at Department of Health (DoH) na nagbabawal itinda ang mga produktong panlinis ng silver jewelry dahil naglalaman ito ng cyanide at iba pang nakalalasong kemikal.

Nanawagan ang EcoWaste upang agad na kumilos ang DENR, at PNP makaraang mamatay ang 7-taong-gulang na si Rain Mendoza, residente ng Lungsod ng Makati, matapos makainom ng cyanide-laced silver jewelry cleaning product na nakalagay sa isang bote ng softdrinks.

Idiniin ni Thony Dizon, Safety Campaigner ng  EcoWaste, na dapat wala nang mga produktong panglinis ng mga alahas na nakamamatay at hinahayaang ibenta sa mga supermarket, grocery at iba pa.

Ang kahilingan ng grupo sa DENR at PNP na ipatupad ang DENR – DOH 2010 Joint Advisory na nagbabawal ibenta ang mga produktong naglalaman ng mga nakamamatay na kemikal.

“Any lapse in law enforcement will mean more consumers having access to this poison that had already fatally harmed many people, including children,” saad ni Dizon.

 

619

Related posts

Leave a Comment