MAGPAPATUPAD ng bagong testing at quarantine protocols, epektibo sa Pebrero 1 ang Inter-Agency Task Force (IATF).
Sa katunayan ay pinagtibay ng IATF kahapon, Enero 26 ang sumusunod na testing at quarantine protocols para sa lahat ng tao na papayagang makapasok ng Pilipinas.
Ang mga darating na pasahero saan man manggagaling ay kailangan na sumailalim sa facility-based quarantine.
Kasunod nito ay sasailalim sila sa RT-PCR test sa ikalimang araw mula sa petsa ng kanilang pagdating sa bansa maliban na lamang kung ang pasahero ay nagpakita ng sintomas sa mas maagang petsa habang naka-quarantine.
Sinabi ng Malakanyang na magpapalabas ng operational guidelines ang IATF ukol dito bago ang Pebrero 1. (CHRISTIAN DALE)
103