NY TIMES BINATIKOS NG PALASYO

new york55

(NI BETH JULIAN)

BINATIKOS ng Malacanang ang pahayagang New York Times sa Amerika kaugnay sa inilabas nitong artikulo na nagsasabing ang Pilipinas ang pinakadelikadong lugar para sa mga environmentalist at right activists.

Tinukoy ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang artikulong “In the fight to save planet, it’s defenders are being killed’ na inilathala noong unang araw ng Agosto.

Sa nasabing artikulo, ginamit ng NY Times ang survey ng global witness kung saan 164 na tagapagtanggol ng mga lupa at kapaligiran ang napatay sa Pilipinas.

Ayon kay Panelo, hindi na nila ikinagulat ang artikulo ng NY Times dahil gawain na umano ng pahayagan na gumamit ng mga maling impormasyon patungkol sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo  Duterte.

Sinabi  ni Panelo na hindi umano nagsagawa ng malalimang pag aaral ang NY Times at umasa lamang sa impormasyon mula sa ibang organisasyon.

Ipinagtanggol din ni Panelo ang Pangulong Duterte sa pagtawag ng NY Times kay Duterte na ‘brutal’.

Aniya, hindi brutal ang Pangulo  at hindi nito pinapayagan ang mga alagad ng batas na gumamit ng brutal na pamamaraan sa pagpapairal ng batas.

 

94

Related posts

Leave a Comment