‘ONE STRIKE POLICY’ PAIIRALIN SA OPISYAL VS INDISCRIMINATE FIRING

(NI JG TUMBADO)

MAAARING maharap sa agad na pagsibak sa posisyon ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na mabibigong maresolba ang mga kaso ng indiscriminate firing o ilegal na pagpapaputok ngayong holiday season.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations Lieutenant General Camilo Cascolan, may babala na sila sa mga chief of police at police unit commanders na resolbahin sa loob lamang ng 24-oras ang mga kaso ng ilegal na pagpapaputok ng baril.

Bahagi ito ng pinaiiral nang operation plan na Paskuhan 2019 para siguruhing magiging mapayapa ang holiday season.

Sinabi rin ni Cascolan na target ng PNP ang zero-incidents ng indiscriminate firing ng mga pulis at zero-injuries mula sa indiscriminate firing lalo na sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa kasalukuyan ay nakataas na ang full alert sa puwersa ng PNP.

ALERTO VS NPA ATTACK 

Mahigpit ding nakaalerto ngayon ang Philippine National Police (PNP) laban sa posibleng pagsalakay ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army para sa kanilang anibersaryo sa Disyembre 26.

“This operational plan… encompasses other operation campaigns – from law enforcement to public safety, primarily internal security,” ani Cascolan.

“Communists will celebrate its founding anniversary, the CPP, on December 26 which is historically amplified, increased hostilities by New People’s Army,” dagdag nito.

150

Related posts

Leave a Comment