P1-M KADA LINGGO KINOKOLEKTA NI GARMA

TUMATANGGAP ng isang milyong pisong payola kada linggo si retired Police Colonel Royina Garma noong hepe ito ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Davao City.

Ito ang isiniwalat ni dating Cebu City Mayor Tommy Osmeña sa Quad Committee na nag-iimbestiga sa extra-judicial killings, illegal drug trade at  Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“I was made aware that in then previous hearing that Col. Garma said that our differences was personal. I just want you to know Mr. Chairman that I did not know her,” pahayag ni Osmeña sa nasabing pagdinig.

Inamin ni Osmeña na tinutulan niya ang paglipat ni Garma sa Cebu matapos makatanggap ng impormasyon na kumolekta ito ng P1 milyon kada linggo sa Davao City habang siya ay hepe ng CIDG.

“It (report) says that when Garma was head of CIDG she was collecting P1 million a week. I cannot accept this for Cebu City. And her bagman was a certain SPO4 Art,” ani Osmeña.

“Now it appears that SPO4 Art is not only a lover. She brought this policeman with her when she was appointed to PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office,” dagdag pa nito.

Si Garma ay itinalaga ni Duterte bilang General Manager ng PCSO isang buwan matapos itong magretiro sa serbisyo noong 2019 na ayon kay Osmena, nalaman na nito sa isang kakilala na nagsabi sa kanya na galit ang dating pangulo sa kanya hindi dahil sa pulitika kundi sa babae.

Sinabi rin ni Osmeña na napakaimpluwensya ni Garma dahil siya umano ang dahilan kung bakit siya sinuspinde ng Office of the Ombudsman sa loob ng isang taon matapos ipagtanggol ang tatlong vendor na hinarass umano ng mga pulis.

“Fortunately the Ombudsman reversed its decision. The decision came out today. I am no longer suspended, I’m not even a mayor anymore,” ani Osmeña.

Si Garma ay nakakulong ngayon sa Batasan Complex matapos itong ma-cite in contempt dahil sa hindi pagsasabi ng katotohanan sa kanyang relasyon kay Duterte at base sa report ng komite kahapon ay dinala ito sa ospital dahil sa pananakit umano ng kanyang leeg. (BERNARD TAGUINOD)

113

Related posts

Leave a Comment