7 CREW MEMBERS NASAGIP SA LUMUBOG NA BARKO

QUEZON – Nasagip ang pitong crew members matapos lumubog ang sinasakyang cargo vessel sa karagatang sakop ng Barangay Poblacion sa bayan ng Patnanungan sa lalawigan noong Martes ng umaga.

Ayon sa report, bandang alas-10:15 ng umaga nang magsimulang pasukin ng tubig ang cargo motorize boat na M/B Krystal Faith, matapos maabutan ito ng malalaking alon at masamang panahon habang patungo sa port sa bayan ng Atimonan galing sa Patnanungan island.

Agad nagsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Patnanungan PNP at sinagip ang mga sakay nito.

Tumulong na rin sa pagsagip ang iba pang mga bangka sa lugar.

Nagawa namang mailigtas ang 7 crew members nito at walang naiulat na nasaktan.

Nahatak na rin patungo sa tabi ang lumubog na bangka. (NILOU DEL CARMEN)

385

Related posts

Leave a Comment