7 BUS NASUNOG SA GARAHE

LAGUNA – Sugatan ang isang lalaki habang pitong bus ang natupok nang masunog ang garahe sa Pulo-Diezmo Road, Barangay Pulo, Cabuyao City, bandang alas-8:00 ng umaga noong Martes.

Ayon sa imbestigasyon ng BFP Cabuyao, apat na mga tauhan ng isang junkshop ang nagbabakbak ng lumang bus para sa scrap sa garahe ng shuttle services corporation, nang biglang sumiklab ang apoy.

Sumaklolo naman ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cabuyao at idineklarang fire-out pasado alas-9:16 ng umaga.

Nasugatan sa insidente ang 46-anyos na isang under-chassis mechanic na dumanas ng second-degree burns.

Umabot sa tinatayang P7 milyon ang halaga ng pinsala dulot ng sunog. (NILOU DEL CARMEN)

49

Related posts

Leave a Comment