UMABOT na sa P16.090 trillion ang kabuuang ‘ outstanding debt’ ng gobyerno ng Pilipinas “as of end-November sa P16.090 trillion, sinasabing tumaas ng 10% noong 2023.
Makikita sa data na ipinalabas ng Bureau of the Treasury (BTr) na ang outstanding debt ng gobyerno ng Pilipinas ay umabot na sa P16.090 trillion “as of end-November 2024,” sumasalamin ito sa 10.9% na pagtaas mula sa P14.508 trillion “as of end-November 2023.”
Ito rin ay 0.4% na mas mataas kaysa sa P16.020 “as of end October 2024.
“The debt portfolio increased… due to net financing and the impact of local currency depreciation on the valuation of foreign-currency-denominated debt,” ang nakasaad sa kalatas ng BTr.
Nagtapos ang piso noong Nobyembre sa P58.602:$1, mas mahina kaysa sa P58.198:$1 “as of end-October 2024.”
“Domestic debt stood at P10.921 trillion, marking a 9.0% increase from P10.024 trillion in November 2023. This was attributed to the P30.67-billion net issuance of domestic securities, and the P1.15-billion impact of the peso depreciation on US dollar-denominated debt,” ayon sa BTr.
Naitala naman ang external debt sa P5.169 trillion, tumaas ng 15.3% mula P4.484 trillion noong nakaraang taon, at 0.8% na mas mataas kaysa sa P5.130 trillion “as of end-October.” (CHRISTIAN DALE)
84