BAGAMAN ngayong 2025 Midterm Election pa lang sasabak ang LINGAP Party-list (#112) ay humataw na ito sa isinagawang survey noong nakaraang Disyembre 2024.
Sa survey ng Insight Pioneers na isinagawa mula Disyembre 15 hanggang 18, 2024 sa 1 hanggang 156 Party-list na sinurvey ng kumpanya ay nasa pang-21 ang LINGAP o Liga ng Nagkakaisang Mahihirap.
Naungusan pa ng LINGAP ang iba pang party-list na dating nang may umupong kinatawan sa Kongreso nitong nakaraang 19th Congress.
Kabilang sa nais gawin ng LINGAP ay magkaroon ng KKK o “Kabuhayan, sapat na kita na nakabubuhay na sahod, maayos at ligtas na trabaho; Kabahayan, disente, at makatao, ligtas sa panganib at abot-kayang programang pabahay; Kalusugan, sapat na pagkain, abot kayang gamot, dekalidad na serbisyong pangkalusugan; Kaligtasan, handa sa oras ng kalamidad at sakuna, payapang pamayanan at ligtas sa pang-aabuso at Kagalingan, abot kayang edukasyon, libreng pagsasanay, akses sa maayos na internet, oportunidad para sa inobasyon, sining at isports,” ang mga Pilipino.
Minimithi rin ng LINGAP ang isang lipunang batay sa pag-ibig, pagiging bukas-palad, katapatan at taos-pusong paglingap, kung saan ang bawat indibidwal ay malusog, masaya at produktibo, matatag, ligtas at ginagamit ang kanyang mga kakayahan at buong potensyal para sa kabutihan ng lahat ng sangkatauhan at ng inang kalikasan.
Misyon naman nitong magbigay ng suporta at paglingap sa lahat ng bulnerable at nasa laylayan na indibidwal, pamilya, sektor at komunidad upang kanilang maharap ang iba’t ibang hamon sa ekonomiya, kalusugan, kultura, at mga sakuna at maabot ang kanilang mga pangarap.
Kasama rin dito ang kanilang layunin na tumulong sa mga indibidwal, pamilya, sektor, at komunidad na mapagtagumpayan ang mga hamon at limitasyon sa kanilang kinakaharap upang maging mas malusog, mas produktibo, at mas masayang miyembro ng lipunan.
Habang papalapit ang May 12, 2025 Midterm Election ay inaasahan tataas pa sa survey ang LINGAP dahil sa patuloy nilang paglingap sa mga Pilipino sa buong bansa.
Ang mananalong mga kongresista, kabilang na ang party-list ay magiging bahagi o bubuo ng 20th Congress ng Mababang Kapulungan ng Kongreso mula 2025 hanggang 2028.
Sa ilalim ng Resolution No. 10999, ang Comelec en Banc ay nagtakda ng election period mula Enero 12 hanggang Hunyo 11, 2025.
Sa panahong ito ay ipatutupad ang gun ban at ang 90-araw na campaign period para sa mga senador at party-list na magsisimula sa Pebrero 11 hanggang Mayo 10, 2025.
Itinakda naman ang pangangampanya sa mga lokal na kandidato ng 45-araw na magsisimula Marso 28 hanggang Mayo 10.
98