P40-B ‘SUHOL’ NI DIOKNO SA KAMARA SUMINGAW

congress

(NI BERNARD TAGUINOD)

TINANGKA umanong  patahimikin ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para manahimik ang mga ito sa P75 billion na isiningit nito sa P3.757 Trillion 2019 national budget.

Sa pagdinig ni House committee on appropriation chairman Rolando Andaya Jr., tuluyan na nitong pinasabog ang naturang lihim matapos muling hindi sinipot ni Diokno ang pagdinig kahit pinadalhan na ito ng subpoena.

Ayon kay Andaya, una nitong natuklasan ang P75 Billion na isiningit ni Diokno sa national budget noong Hulyo 2018 matapos maitalaga bilang House majority leader nang palitan ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo si dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Nagkaroon umano ng pulong si Andaya sa Malacanang kasama ang mga economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 2018 tulad nina Finance Secretary Sonny Dominguez, Executive Secretary Salvador Medialdea, National Economic Development Authority (NEDA) Chief Ernesto Persina kung saan una nitong sinabi ang natuklasan ng Kongreso na P75 billion.

Matapos ang pulong na ito ay inimbitahan umano ni DBM Undersecretary Mina Pangandaman si Andaya ng lunch sa tanggapan ni Diokno kung saan sinamahan umano siya ng isa sa kanilang common friend kung saan muling inulit umano ng kongresista ang problema sa P75 Billion insertions.

“It was then, Secretary Diokno tries to buy our cooperation. He offered the House P40 billion for us to shut up about the P75 billion insertion,”pagsisiwalat ni Andaya subalit wala umano ang halagang ito sa national budget.

Nabatid na kukunin umano ni Diokno ang halagang ito sa saving ng gobyerno sa taong 2018 kaya lalong naging interesado umano ang mambabatas na alamin kung magkano ang savings mula noong 2018 dahil ginagamit ito ng Kalihim na hindi na kailangan ang approval ng Kongreso.

Sa isinumiteng dokumento ni Diokno sa Kamara, nabatid na umaabot sa PP209 billion ang savings ng gobyerno noong 2017 at P97 billion noong 2018.

Kinastigo rin ni Andaya si Diokno dahil sa hindi nito pagsipot sa hearing na tila at pinakawalan ang pagkakataon na makapagpaliwanag sa mga alegasyon sa kanyang tanggapan.

“I really do not understand. May franchise ba siya na chicken? Chicken na chicken eh, takot na takot humarap rito . Kung tunay kang lalaki, humarap ka. Hindi ‘yung tumatago ka, nahahalatang guilty ka eh,” ani Andaya.

 

145

Related posts

Leave a Comment