WALANG nakikitang dahilan si Justice Secretary Frederick Vida para isailalim sa preventive suspension si NBI Director Melvin Matibag kasunod ng panawagan ni Senate President Alan Peter Cayetano. Sa isang press briefing nitong Biyernes, sinabi ni Vida na hindi pa nila isinasaalang-alang ang preventive suspension kay Matibag kaugnay ng nangyaring kaguluhan sa Senado. “I don’t see any reason issuing preventive suspension,” ani Vida. Nilinaw rin ni Vida na wala siyang kapangyarihang direktang mag-utos ng suspensyon laban sa direktor ng NBI. Samantala, bumuo na ang Department of Justice (DOJ) ng special panel…
Read MoreDay: May 16, 2026
CAYETANO BINASAG ANG MGA ‘MALING KWENTO’ SA PAG-ATAKE SA SENADO
BINASAG ni Senate President Alan Peter Cayetano nitong Biyernes ang umano’y maling naratibo kaugnay ng naganap na kaguluhan at pag-atake sa loob ng Senado at hinikayat ang publiko na ituon ang pansin sa “buong katotohanan.” Sa isang Facebook livestream nitong Mayo 15, 2026, kalmadong humarap sa publiko si Cayetano at nanawagang huwag hayaang sirain ng mga “half-truth” ang bansa. “Ang appeal ko po sa lahat, let’s start focusing on the truth and the whole truth. Half-truth, hindi pa rin po truth ‘yon,” ani Cayetano. “Based on the truth, let’s move…
Read MoreSC PINABORAN ANG COMELEC SA USAPIN NG MANUAL COUNTING
IBINASURA ng Korte Suprema ang petisyong naglalayong obligahin ang Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng manual counting ng mga boto sa antas ng presinto sa ilalim ng Republic Act 9369. Ayon sa desisyon ng SC, taliwas sa layunin ng automated elections ang pagsasagawa ng parallel manual count sa mismong araw ng halalan. Dahil dito, ikinatuwa ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang naging pasya ng mataas na hukuman. Ayon kay Garcia, pinagtibay ng Korte Suprema ang buong automation ng national at local elections sa bansa. Sinabi rin nito na…
Read MoreDOJ TIKOM SA TENSYON SA SENADO
NANATILING tikom ang bibig ng Department of Justice (DOJ) sa gitna ng tensyon at kaguluhan na bumabalot sa Senado. Sa ngayon, ang pinakahuling pahayag lamang ng DOJ ay may kaugnayan sa dalawang paraan umano para harapin ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, maaaring mangyari ito sa pamamagitan ng boluntaryong pagsuko sa international court o tribunal, o sa pamamagitan ng extradition na nakapaloob sa Republic Act 9851. Patuloy namang kinukulit ng mga mamamahayag ang…
Read MoreTOP PERFORMING CABINET OFFICIALS NANGUNA SA NATIONWIDE GOVERNANCE POLL
INILABAS ng RPMD Foundation Inc. (RPMD) ang pinakabagong Boses ng Bayan nationwide survey hinggil sa performance ng mga miyembro ng gabinete ng administrasyong Marcos, kung saan nanguna si Sec. Rex Gatchalian ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang top-performing Cabinet official. Isinagawa ang survey noong Abril 1 hanggang 8, 2026 sa 5,000 randomly selected respondents sa buong bansa na may ±1% margin of error. Ginamit ng RPMD ang “Index of Governance” o IOG, isang sukatan na pinagsamang trust at job performance ratings ng bawat opisyal. Nanguna si Gatchalian…
Read More‘BOSES NG BAYAN’ SURVEY NG TOP GOV’T OFFICIALS — RPMD
NANGUNA si Pres. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang highest-rated national official sa pinakabagong ‘Boses ng Bayan’ nationwide survey ng RPMD Foundation Inc. na inilabas ngayong araw, habang nakitaan naman ng paghina sa approval ratings si Vice President Sara Duterte kasabay ng umiinit na kontrobersiya at impeachment-related issues laban sa kanya. Isinagawa ang survey noong Abril 1-8, 2026 gamit ang 5,000 randomly selected respondents mula sa iba’t ibang socioeconomic classes sa buong bansa. May margin of error itong ±1% sa 95% confidence level. Ginamit sa survey ang “Index of Governance” o…
Read MoreAPLASCA 6-BUWAN SUSPENDIDO SA GULO SA SENADO
INANUNSYO ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla ang pagpapataw ng anim na buwang preventive suspension kay acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca kaugnay ng naganap na kaguluhan sa Senado noong Miyerkoles, Mayo 13, 2026. Sa isinagawang press conference nitong Biyernes, Mayo 15, sinabi ni Remulla na pinirmahan na niya ang rekomendasyon para sa suspensyon ni Aplasca. “There was a recommendation and I signed for six months preventive suspension of the acting Sergeant-at-Arms of the Senate Mao Aplasca for what happened on the other night,” ayon kay Remulla. Paliwanag ng Ombudsman, layunin…
Read MoreOBRERO ARESTADO SA PAGPATAY NG PUSA SA PASIG
ARESTADO ang isang 38-anyos na construction worker matapos umanong patayin ang isang pusa sa Barangay Santolan, Pasig City. Sa ulat, isang traffic enforcer ang nakakita sa pusa na wala nang buhay kaya agad itong ini-report sa Barangay Santolan Animal Control Office. Agad namang rumesponde ang mga animal control officers katuwang ang barangay security force, na nagresulta sa mabilis na pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek. Makikita sa CCTV footage na mahigpit umanong itinali ng suspek ang pusa bago isinabit sa isang poste. Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), isinagawa…
Read More7 PULIS SIBAK SA PAGNANAKAW NG ‘POGO MONEY’
SINIBAK na sa serbisyo ang pitong pulis kaugnay sa pagnanakaw umano ng perang nakumpiska sa isang POGO operation at gagamitin sana bilang ebidensya sa kaso. Batay sa dokumento mula sa Directorate for Personnel and Records Management, kabilang sa mga tinanggal sa serbisyo ang dating CIDG cash evidence custodian na si Police Lt. Col. Joey Arandia at anim nitong tauhan. Napatunayang guilty ang mga ito sa administratibong kasong Grave Misconduct, Grave Dishonesty, at Conduct Unbecoming of a Police Officer. Sa ulat, naganap pa noong Oktubre 2024 ang operasyon ng CIDG sa…
Read More