PAGPAPALAWIG NG STATE OF EMERGENCY, PWEDE HANGGANG MATAPOS ANG 2022

PABOR si Senator JV Ejercito na palawigin pa hanggang matapos ang taon ang deklarasyon ng state of health emergency dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Ejercito na maganda na ang laban ng bansa kontra COVID-19 subalit mas maiging tapusin na ang taon sa ilalim ng deklarasyon.

Ito ay upang magkaroon pa anya ng sapat na panahon para sa adjustment at mapalawak pa ang pagpapabakuna kontra sa virus.

Nanawagan muli ito sa gobyerno na palakasin ang kampanya para sa pagpapabakuna, primary man or booster shots upang makatiyak na may panlaban ang bawat isa sa sakit.

Subalit kahit alisin na anya ang deklarasyon ay dapat masunod pa rin ang minimum health protocols.

Kaakibat ng pagpapalawig ng state of national emergency ang pagbibigay ng insentibo sa health workers.

Iginiit ng senador na dapat lamang ibigay ang insentibo para sa health workers na nagsasakripisyo ng kanilang buhay para sa kapakanan ng marami. (DANG SAMSON-GARCIA)

120

Related posts

Leave a Comment