POLITIKO SA NARCO LIST MAAARING MAGDEMANDA VS DILG, PDEA

narco

(NI BETH JULIAN)

KUMAMBYO ang Malacanang sa pahayag na maaaring kasuhan ng ilang kandidato ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung madudungisan ang kanilang mga pangalan kapag inilabas na ang narco list.

Una nang inihayag ng Palasyo na maaaring magharap ng kasong libelo ang mga kandidatong mapabibilang sa narco list kung sa kanilang pananaw ay nadungisan ang kanilang pangalan.

Pero ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, posibleng hindI uusad ang kasong ihahain ng mga kandidato dahil kailangan pa ng matinding ebidensya na dapat nilang iprisenta na magpapatunay na mayroong malicious intent sa paglalabas ng narco list para gumulong ang kaso.

Nilinaw naman ni Panelo na hindi layunin ng narco list na siraan o ipahiya ang sinuman o kandidato kungdi ay para lamang bigyan ng impormasyon ang mga botante kaugnay sa kanilang ibobotong kandidato para sa May 2019 elections.

 

 

109

Related posts

Leave a Comment