Netizens kay Speaker Martin: Pera mo ba ‘yan? ROMUALDEZ RICE AMOY KORUPSYON

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

UMIKOT kahapon sa social media ang mga larawan ng Romualdez rice na ipinamamahagi umano ng kampo ni House Speaker Martin Romualdez.

Maraming netizens ang tumaas ang kilay dahil malinaw anilang maaga itong pangangampanya. Ngunit ang pinakamahalagang tanong anila ay kung saan galing ang pondong ibinili ng bigas at anong kalidad nito.

Kung nagmula anila sa sariling pera ni Romualdez ay walang problema ngunit kung galing sa kaban ng bayan ay malinaw na isang uri ito ng korupsyon.

“Ano ba ang lasa ng “Romualdez rice?” LASANG NAKAW ba? Lasang binubukbok? Anong amoy? Amoy amag ba? O amoy “eleksiyon?” Makapal ba ang mga butil? O mas makapal ang mukha ng

“nagbigay?” (ULOL, galing sa pera ng bayan yan!) Bagong variety ba ito ng bigas? O bagong variety ng panloloko sa bayan? Jusko bakit di tayo nakatikim dati ng Marcos rice, Erap rice, Gloria rice, Duterte rice, all of which can be summed up into one general variety- DEMONYO RICE?” mahabang litanya ng isang netizen na taga-Davao.

Kasabay nito, lumutang din ang larawan na nagpapakita naman ng ayuda mula umano kay Davao City 1st district Rep. Paolo Duterte. Ang ayuda ay isang sakong bigas na may nakasulat na:

Pulong pulong ni Pulong (palayaw ng anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte) na may kasamang limang pirasong mumurahing de lata.

Kaya naman, komento ng iba ay pareho lang ang mga Duterte, Romualdez at Marcos pagdating sa pagiging epal.

Abala si Romualdez sa pag-iikot sa mga lalawigan para maghatid ng tulong ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kabilang na rito ang pamamahagi ng bigas na ang lalagyan ay may nakatatak na pangalan niya kaya tinawag na MR rice.

Sa kanyang programa sa SMNI, sinabi naman ni dating Presidential Legal Counsel and Presidential Spokesperson Salvador Panelo na isinusuka na ng taumbayan ang estilo ni Romualdez.

“Kahit anong ilagay nilang pangalan dyan alam nila (taumbayan) iyang perang yan.. pinambili nyan, unang-una kung ‘yan ay galing sa gobyerno, ibig sabihin galing sa taumbayan na binabalik lang sa kanila. Kung ‘yan naman ay nakaw, ganundin dahil ninakaw sa gobyerno galing din sa taumbayan ang perang ninakaw kaya ibinabalik din sa kanila,” ani Panelo.

Basahin ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa X kaugnay sa Romualdez rice.

im bored:
if the taxpayer paid for these bags of rice, this should be deemed as corruption.

bella:
May pangalan? Pera nya? Of course not!! Bubunot ba yang mga politikong yan sa bulsa nila. Pera ng bayan yan! Huwag magpauto!!

W L:
Huwag magpaloko at magpadala sa 2 kilong bigas!
I doubt it came from his own pocket, most probably from government funds and donations from supporters to corner government projects and favors.

Cyna:
Maagang pangangampanya para sa 2028 yarn.

Mytoothfairy:
amoy election na kasi nagpapabango at the expense of people’s money. napakawalanghiya talaga ng mga politiko ngayon

remy:
Puro epal sila ma duts family, romualdez, bong go at mga LGUs. Pera naman ng tax payers yan.

Levy:
51B kahit mag Delimondo yan, di nya mauubos yun, grabe naman yang Bingo corned beef

Joy:
Uy, personalized may pangalan nila. Nakaka-honest kaya ang bigas na yan?

Junnix:
saan sinaka ang romualdez rice? comelec, ano na???! kilos abah! dami na nilang ads sa tv, tarpaulin na kaliwat kaliwang pagbati, at ngayon bigas.

Haj:
Pinatanim nya kaya naging romualdes rice, ha ha ha !
Grabe ang aga ng bigayan sa paghanda sa halalan sa susunod na taon. Attn: COA

Daxyboy:
Eh yun Polong Rice at corn beef ano lasa??? Lasang patay na adik ba o amoy basura ng Davao???

Norman:
mey recipient kasi sa corruption nila, ang masang hampaslupa.
itrace na lang ang money trail para wlang source ng corruption.

205

Related posts

Leave a Comment