BARANGAY CHAIRMAN SA LAGUNA SUGATAN SA PAMAMARIL

LAGUNA – Sugatan ang barangay chairman ng Barangay San Antonio, Biñan City matapos na pagbabarilin sa loob ng restaurant noong Linggo ng hapon.

Ayon sa report ng Biñan City Police, nasa ligtas nang kalagayan ang 50-anyos na biktimang si Barangay Chairman Michael Gonzales.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-1:40 ng hapon, nakaupo ito sa loob ng restaurant katabi ang dalawa pa, nang asintahin ito ng hindi kilalang suspek mula sa pintuan ng establisyemento.

Anim na beses itong  pinaputukan ng suspek at tatlong bala ang tumama sa biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek na sumakay sa isang motorsiklo. Isinugod naman sa ospital ang biktima at nasa ligtas nang kalagayan. (NILOU DEL CARMEN)

168

Related posts

Leave a Comment