SALVAGE VICTIM ISINAKO

PINANINIWALAANG biktima ng summary execution ang natagpuang bangkay sa loob ng sako, na tadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nakatali ang dalawang kamay sa Baseco, Port Area, Manila, umaga nitong Huwebes

Tinatayang nasa 25 hanggang 30-anyos ang hindi pa nakikilalang biktima na nasa 5’4 ang taas, nakasuot ng itim na t-shirt at asul na short pants.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Rodel Borbe, commander ng Manila Police District-Baseco Police Station 13, bandang alas-6:00 ng umaga nang matagpuan ng isang tauhan ng Department of Public Safety ( DPS) ang bangkay sa isikinita ng Block 15 sa Baseco.

Ayon kay Elmer Flotina, 29-anyos, ng DPS, inakala nito na mapakikinabangan ang nakasilid sa sako ngunit nang bulatlatin ay  nagulat siya na bangkay ang nasa loob nito.

Malaki ang paniniwala ng pulisya na may ilang oras pa lamang ang nakararaan nang ito ay patayin dahil sariwa pa ang dugo ng bangkay.

(RENE CRISOSTOMO)

100

Related posts

Leave a Comment