CABINET OFFICIALS NI PBBM TRABAHO AGAD

MAY ilang miyembro na ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nag-first day “warming up” na sa kanilang staff at sinasanay na ang kanilang sarili sa tanggapan na kanilang magiging “official home” sa mga darating na araw.

Isa na rito si Trade Secretary Alfredo Pascual kung saan tinanggap ang flag ng Department of Trade and Industry mula sa dating hepe nito na si Ramon Lopez, sa turnover rites sa nasabing tanggapan.

“It is an honor and privilege for me to be allowed to serve our country, particularly at this time of pandemic recovery and new emerging uncertainties,” ayon kay Pascual sa kanyang naging talumpati sa seremonya.

Sa ilalim ng kanyang liderato, nangako si Pascual na palalakasin ang suporta ng gobyerno sa “micro, small and medium enterprises; boost the country’s manufacturing sector; push for the ease of doing business; lure investors, broaden exportation; and reassess the organizational structure of the department.”

Winelcome naman ni Outgoing Labor Secretary Silvestre Bello III ang bagong department head na si Bienvenido Laguesma, na nangakong ipagpapatuloy ang sinimulan ni Bello sa departamento.

Si Bello, sa kabilang dako ang siya namang mamumuno sa Manila Economic and Cultural Office bilang chairman nito.

Gayundin, dumalo si  Department of Public Works and Highways Secretary (DPWH) Manuel Bonoan sa turnover ceremony, noong Biyernes.

Nagsimula na ring manungkulan si Secretary Susan Ople bilang pinuno ng bagong likha na Department of Migrant Workers (DMW).

Tiniyak ni Ople na ang  DMW ay magkakaroon ng zero-tolerance policy para sa  illegal recruiters at human traffickers.

Inanunsyo rin nito ang pagtatatag ng One Repatriation Command Center na mangangasiwa sa repatriation o pagpapauwi sa lahat ng OFWs.

Nilibot naman ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang kanyang bagong tanggapan. (CHRISTIAN DALE)

107

Related posts

Leave a Comment