ILANG EXECUTIVE POSTS DINEKLARANG VACANT

BAKANTE  pa rin ang ilang posisyon sa executive department.

Base sa Memorandum Circular 1 na nilagdaan ni  Executive Secretary Victor Rodriguez, nakasaad dito ang mga posisyon na kinokonsiderang bakante simula noong tanghali ng Hunyo 30, o nang magsimulang umupo sa kanyang tanggapan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ang mga ito ayon sa MC 1 ay “all presidential appointees whose appointments are classified as coterminous; all presidential appointees occupying positions created in excess of the authorized staffing pattern; all non-career executive service officials occupying career executive service positions; and contractual and/or casual employees.”
Ang dokumento ay inisyu noong Hunyo 30.

Upang matiyak na magpapatuloy ang paghahatid ng government services, sinabi ng Malakanyang na ang mga bakanteng posisyon sa heads of executive departments at iba pang tanggapan ay pansamantalang uupuan ng “most senior official” na magiging officer-in-charge (OIC).

Gagampanan nito ang tungkulin ng top official hanggang Hulyo 31  o hanggang makahanap ng itatalagang kapalit. (CHRISTIAN DALE)

55

Related posts

Leave a Comment